Ang tubig ay napakahalaga sa buhay ng tao. Marami itong gamit di tayo mabubuhay kung walang tubig. Pwede natin itong magamit bilang inumin, pampaligo, panghugas ng pinggan, panglinis ng mga kagamitan at panlaba. Kaya napakahalaga ng tubig para sa atin at dapat natin itong gamitin ng maayos.
Maraming mga lugar na walang tubig katulad ng mga tao na nasa bundok kailangan pa nilang pumunta sa balon para mag-igib kumpara sa aming lugar na maraming suplay ng tubig. Paggising sa umaga wala nang problema kahit anong oras kapa maligo palaging may tubig. Ngunit isang araw may pagsubok na dumating kinulang ang suplay ng tubig dahil sa init ng panahon ngayon. Don ko naramdaman na bawat patak nito ay may halaga.
Pahalagahan natin kung anong meron tayo dahil maraming iba diyan na nangangarap magkaroon ng tubig. Isipin natin ang iba kung gaano sila naghihirap para magkuha ng tubig. Hanggang ngayon patuloy parin nagsisikap kahit mahirap. Simula nong naranasan ko ang bagay na yon ay natuto na akong magtipid ng tubig at laking pasasalamat ko na hanggang ngayon ay meron parin kaming suplay ng tubig.
Isang Akademikong Sulatin na naglalayong makatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng bawat indibidwal lalo na sa larangan pag-aaral na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon na naglalahad ng ibat-ibang ideya lalo na sa kasalukuyan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
"Halaga sa bawat Patak"
Ang tubig ay napakahalaga sa buhay ng tao. Marami itong gamit di tayo mabubuhay kung walang tubig. Pwede natin itong magamit bilang...
-
Mapapansin natin na isa sa mga problema natin ngayon na panahon ay ang pagdami ng basura sa ating kapaligiran. Tayo ay isinilang sa ...
-
Tayong mga Pilipino ay mahilig maglakbay. Halos lahat ng mga kabataan ngayon ay may #TravelDestination o kaya naman #Travel...
-
Ang paksang ito ay tungkol sa paghinto ng pagbigay ng Takdang Aralin sa mga mag-aaral. Bago natin ito bigyan ng aksyon kailangan mu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento