Biyernes, Setyembre 20, 2019

"Luntiang Pagtuklas"






        Tayong mga Pilipino ay mahilig maglakbay. Halos lahat ng mga kabataan ngayon ay may #TravelDestination o kaya naman #TravelVlog kasama ang mga kaibigan, kaklase, pamilya o mahal sa buhay. Kaya naman ikukwento ko sa inyo ang hindi ko malilimutang paglalakbay sa AO Farm. Una sa lahat ang AO Farm ay isa sa may pinakamagandang tanawin sa aking napuntahan, ito ay may higit isang daan hakbang pa akyat sa kanilang hardin. Pagkaakyat mo meron kang pagpipilian kung saan ka pupunta na direksyon.





        Nagpunta ako dito kasama ang aking mahal sa buhay para maranasan namin kung gaano kaganda ang lugar. Napansin ko na kong ikaw ay maglakbay sa hardin, ito ay punong-puno ng iba't-ibang pananim. Marami kang makikitang magandang bulaklak na namumukadkad.





        Meron silang kahoy na pwede mong akyatin at ikaw ay makakalanghap ng sariwang hangin. Nakakatakot pero ito ay makakawala ng lungkot.





        Ang AO Farm ay matatagpuan sa Toong, Cebu City at sa halagang dalawangpu makakapasok ka na sa kanilang napakagandang hardin. Ang sinag ng araw dito ay walang kasing kinang at ang mga dahon na kulay luntian na nagsasayawan.





        Sa kabila ng lahat ng sayang nadarama kami ay aalis na. Paalam AO Farm salamat sa magandang ala-ala kasama ang aking minamahal. Sa ganda ng lugar na ito ang sarap nitong balik-balikan.




Realisasyon:
        Sa AO Farm nakita ko ang tunay na ganda nga kalikasan na pinapahalagahan at dito ko natutunan na pwede kang maging masaya kahit kaunti lang ang iyong pera. Nais ko lang ipaalala na masaya paring maglakbay kasama ang iyong mahal sa buhay.

Huwebes, Setyembre 19, 2019

"Lakbayin ang kagandahan ng baybayin"





        Ang paglalakbay ay masayang gawain lalo na kapag kasama mo ang iyong pamilya. Nagpunta kami dito sa The Tree Beach Resort upang magkaroon ng oras sa isa't-isa. Sa aming pagdating sinalubong kami sa mga tauhan sa beach at nagpakuha ka agad ng litrato dahil sa magandang tanawin nito.



        Muli naming simulan ang kasayahan. Kinabukasan nilakbay namin ang kahabaan ng baybayin at dinama ang sariwang hangin. Nakakatuwang pagmasdan ang alon ng dalampasigan, sikat ng araw na ikaw ay masisilayan. Kasama ang aking pamilya naglaro kami sa baybayin sabay hampas sa puting buhangin.




        Sa aming patuloy na paglalakbay ay unti-unting kumikinang ang tubig ng dagat dahil sa taglay na linis nito. Sa aking paligo akoy hindi nabigo. Ang sarap sa pakiramdam nang ako ay umaahon lalo na sumabay pa ang kagandahan ng alon.




        Paglubog ng araw, mga pamilya ang kasama. Oras ay di napapansing lumilipas o ang langit ay unti-unting kumukupas. Mala paraisong baybayin at sariwang simoy ng hangin. Dito sa Tree Beach Resort lahat ay kakaiba at ito ay matatagpuan sa Maravilla, Tabuelan, North-Western Cebu.




        Uwian na ngunit ayaw kong lumisan pero kinakailangan. Hindi masusukat ang aking kasiyahan nadarama ng makasama ko ang aking pamilya. Salamat magandang baybayin dahil umuwi kaming masayahin.



Realisasyon: 
        Sa haba ng aming pinagsamahan sa The Tree Beach Resort ay mas lalong tumibay ang aming pamilya. Simula nuon ang aking pamilya ay lagi nang nagkakaisa, sa anumang pagsubok walang hindi kinakaya at sa sakuna ay laging magkasama. Kahit hindi kami mayaman ngunit mayaman naman kami sa pagmamahalan.

Biyernes, Setyembre 13, 2019

"Edukasyon ay Kinabukasan"





        Bawat tao nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Pumapasok sa ikalawang tahanan para harapin ang kahinaan. Paaralan na palagay natin tayo ay pinapahirapan pero tayo pala ay tinuturuan para maging matapang.





        Ang karunungan ay hindi makukuha sa tabi-tabi, kundi ito ay nasa libro lamang. Magbasa lang ng magbasa hanggat kaalaman moy madagdagan pa. Sa libro marami tayong matutunan na leksyon sa ating buhay.






        Lahat tayo pumapasok sa paaralan para may matutunan na kabutihan. Bilang isang studyante tungkulin mong maging responsable. Pahalagahan mo ang iyong natutunan  at gamitin sa tamang paraan. Kabilang na dito ang pagtapon ng basura sa tamang lalagyan.






        Mahabang paglalakbay patungo sa magandang kinabukasan. Wag mawalan ng pag-asa hanggat hindi mo pa naabot ang iyong pangarap. Buhay natin ay wala pang kasiguraduhan kaya ngayon ay ating pagsikapan.





        Marami man tayong mga ala-ala sa ating paghahakbang pero kailangan na nating iwanan. Salamat paaralan dahil sa iyong gabay ako ay may nadalang tagumpay.

''Magkakaibigan pero Magkapatid ang Turingan''





        Unang araw ng skwela marami kang makikitang iba't-ibang uri ng studyante. Nakakatakot, hindi mo alam ang iyong gagawin. Nakakapanibago ang iyong paligid pero isa lang ang sigurado meron kang makikilala na makakasama at tutulong sayo.




        May mga taong di mo inaasahang darating at magkaroon ng halaga sa iyong buhay. Noong una mo silang makita akala mo suplada o pangit ang ugali. Hindi mo inaakalang mabait pala ang mga ito at sila ay naging kaibigan mo.




        Kaibigan na nagtutulungan palagi pagnahihirapan ang isa sa klase nandyan sila para tulungan ka. Pilit na ipana-iintindi ang mga bagay na hindi mo maintindihan. Nandyan sila sa lahat nga bagay na naghihirap ka dahil meron tayong pangako na sabay tayong magtatapos.



        Kaibigan ang sandalan mo sa paaralan mapa problema man o katarantaduhan. Kaibigan na hindi naghuhusgahan kundi nagtutulungan. Dahil ang tunay na magkaibigan ay hindi ka pababayaan.



        Magkaibigan pero magkapatid ang turingan. Magkahawak kamay kaming hinaharap ang mga problema. Walang iwanan sa oras ng pangangailangan. Sama-sama nating aabutin ang ating mga pangarap.

"Teknolohiya para sa Edukasyon"





        Sa ngayon na henerasyon marami ng gumagamit ng teknolohiya kabilang na dito ang mga guro. Dahil marami itong maitutulong sa kanilang pagtuturo at madagdagan pa ang kanilang kaalaman.





        Ang guro ay maraming responsibilidad sa mga studyante. Isa na dito ang pagbabahagi ng kanilang kaalaman. Gamit ang teknolohiya marami kang makukuha na impormasyon o matutunan at kapag mag natutunan ka pwede mo itong ituro sa iyong mga studyante.




        Kung maraming responsibilidad ang mga guro, marami rin ang mga studyante. Alam naman natin bilang isang studyante responsibilidad nating gawin ang takdang aralin na binigay sa ating guro at kung meron tayong teknolohiya mas mapabilis at mapagaan ang ating mga gawain.




        Sa panahon ng kailangan mong magrerepresenta ng takdang aralin. Hindi kana masyadong nahihirapan at kabisabo muna lahat ng iyong tatalakayin ng dahil sa teknolohiya.





        Malaki ang maitutulong ng teknolohiya sa ating bansa lalo na sa ngayon na henerasyon. Sa kabila ng pagsisikap hindi ko inaasahang kasama pala ako sa mga pinarangalan. Kung tayo rin ay makikinig ng mabuti sa ating guro marami tayong matutunan na magagamit natin sa ating kinabukasan. Dito ko masasabi na nararapat talaga ang "Teknolohiya para sa Edukasyon".

"Halaga sa bawat Patak"

        Ang tubig ay napakahalaga sa buhay ng tao. Marami itong gamit di tayo mabubuhay kung walang tubig. Pwede natin itong magamit  bilang...