Biyernes, Setyembre 13, 2019

"Edukasyon ay Kinabukasan"





        Bawat tao nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Pumapasok sa ikalawang tahanan para harapin ang kahinaan. Paaralan na palagay natin tayo ay pinapahirapan pero tayo pala ay tinuturuan para maging matapang.





        Ang karunungan ay hindi makukuha sa tabi-tabi, kundi ito ay nasa libro lamang. Magbasa lang ng magbasa hanggat kaalaman moy madagdagan pa. Sa libro marami tayong matutunan na leksyon sa ating buhay.






        Lahat tayo pumapasok sa paaralan para may matutunan na kabutihan. Bilang isang studyante tungkulin mong maging responsable. Pahalagahan mo ang iyong natutunan  at gamitin sa tamang paraan. Kabilang na dito ang pagtapon ng basura sa tamang lalagyan.






        Mahabang paglalakbay patungo sa magandang kinabukasan. Wag mawalan ng pag-asa hanggat hindi mo pa naabot ang iyong pangarap. Buhay natin ay wala pang kasiguraduhan kaya ngayon ay ating pagsikapan.





        Marami man tayong mga ala-ala sa ating paghahakbang pero kailangan na nating iwanan. Salamat paaralan dahil sa iyong gabay ako ay may nadalang tagumpay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Halaga sa bawat Patak"

        Ang tubig ay napakahalaga sa buhay ng tao. Marami itong gamit di tayo mabubuhay kung walang tubig. Pwede natin itong magamit  bilang...