Miyerkules, Oktubre 16, 2019

"Halaga sa bawat Patak"

        Ang tubig ay napakahalaga sa buhay ng tao. Marami itong gamit di tayo mabubuhay kung walang tubig. Pwede natin itong magamit  bilang  inumin, pampaligo, panghugas ng pinggan, panglinis ng mga kagamitan at panlaba. Kaya napakahalaga ng tubig para sa atin at dapat natin itong gamitin ng maayos.


        Maraming mga lugar na walang tubig katulad ng mga tao na nasa bundok kailangan pa nilang pumunta sa balon para mag-igib kumpara sa aming lugar na maraming suplay ng tubig. Paggising sa umaga wala nang problema kahit anong oras kapa maligo palaging may tubig. Ngunit isang araw may pagsubok na dumating kinulang ang suplay ng tubig dahil sa init ng panahon ngayon. Don ko naramdaman na bawat patak nito ay may halaga.


        Pahalagahan natin kung anong meron tayo dahil maraming iba diyan na nangangarap magkaroon ng tubig. Isipin natin ang iba kung gaano sila naghihirap para magkuha ng tubig. Hanggang ngayon patuloy parin nagsisikap kahit mahirap. Simula nong naranasan ko ang bagay na yon ay natuto na akong magtipid ng tubig at laking pasasalamat ko na hanggang ngayon ay meron parin kaming suplay ng tubig. 

"Basura Itapon sa Tamang Lalagyan"

        Mapapansin natin na isa sa mga problema natin ngayon na panahon ay ang pagdami ng basura sa ating kapaligiran. Tayo ay isinilang sa mundo at tayo ay nakatira sa mundo. Kaya ang kapaligiran kung saan tayo ay nabubuhay ay napakahalaga at ito ay direktang nakakaapekto sa ating buhay. Ang problema sa basura ay isang pandaigdigang alalahanin. Ito ay walang hangganan. Sa ating paaralan, pagsisikap ay kailangan upang ang bawat estudyante ay magkaroon ng kamalayan tungkol sa pagkasira ng kapaligiran dahil sa hindi tamang paglalagay ng basura na naayon sa lalagyan.


        Ang pagdami ng basura sa ating kapaligiran ay isa sa pinakamabigat na problema sa ngayon na panahon. Hindi na natin alam kung saan natin ito dadalhin o kung ano ang dapat nating gawin para mabawasan ang mga ito. Kahit kailan, kahit saan, marami pa rin ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Nakita ko karamihan sa mga studyante ngayon ay tapon dito, tapon doon kahit may basurahan naman. Nagpapakita ng kawalan ng disiplina at kamangmangan nito. Sa sobrang dumi ng paligid na para bang hindi paaralan. Isa sa mga dahilan nito ay ang kapabayaan ng mga tao.


        Upang malutas ang suliranin ng basura, dapat tayong maging responsable sa lahat ng pagkakataon huwag natin hintayin na lumala pa ang problema tungkol dito. Matuto tayong pangalagaan ang ating kapaligiran dahil ito rin ang dahilan kung bakit tayo dadapuan ng mga sakit. Disiplina ay isa sa pinakamadaling solusyon para ma resulba ang problema. Bilang isang mag-aaral tungkulin natin ang panatilihing malinis at maayos ang paaralan dahil dito tayo natututo at hinuhubog ang ating mga guro. Hindi pa huli ang lahat para magbago at disiplinahin ang sarili upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa paaralan.

"Papasok para sa Kinabukasan"

        Ang edukasyon ay mahalaga dahil dito mo makamit ang iyong kinabukasan. Sa pag-aaral ay merong oras kung anong oras ka papasok at anong oras karin lalabas, kaya lang noong bata pa ako kadalasan na oras ay umaga hanggang sa hapon. Pero ngayong Senior High School na ako nagbago at ang oras na ito ay 2 pm - 7 pm. Ngunit hindi nakabase ang oras sa iyong pag-aaral kahit anong oras pa yan kung gusto mong matuto mag-aral ka hindi ka dapat nakadepende sa oras.


        Aaminin ko nakakatamad pumasok sa paaralan maraming mga proyekto o gawain. Minsan iniisip ko na titigil na ako sa aking pag-aaral dahil sa sobrang nakakapagod na. Pero lagi kung iniisip na paano ang aking mga magulang kapag titigil ako at paano ako mabubuhay kung tatamad-tamad ako. "Magsisikap ako" yan ang laging itinatatak sa ulo ko dahil ang edukasyon ay isang daan tungo sa  inyong pagiging matagumpay.


        Lahat tayo gustong maabot ang ating panggarap kaya wag tayo mawalan ng pag-asa abutin ang ating panggarap. Dahil ang edukasyon ay mahalaga, kapag ikaw ay nakatapos ng pag-aaral mas malawak ang iyong kaisipan at mas madali kang makahanap ng magandang trabaho. Sa ngayon sinisimulan kuna ang aking pagsisikap. Dapat nga tayong magpasalamat sa ating mga magulang  dahil pina-aral tayo. Bukod diyan maraming mga bata na humahangad na makapag-aral pero wala silang pera, huwag natin sayangan ang pagkakataon na magkapagtapos tayo.

Martes, Oktubre 15, 2019

"Dapat bang mag Part time ang Senior High School"


        Ang paksang ito ay tungkol sa Senior High School na mag-aaral kung tama ba na magtratrabaho sila kasabay ang kanilang pag-aaral. Ang pagkakaroon nang part time job ay isang mabuting ideya sa mga mag-aaral.


        Ayon kay Umali, hindi naman pwedeng panay OJT lang ang gawin ng mga Senior High School mas mabuti ring magtrabaho sila para din matuto silang bumalanse sa kanilang oras at sa iba pang mga gawain. Ayon naman ni David Lim na magandang sumabak kana sa trabaho hanggat maaga pa para mas mahasa mo ang iyong kakayahan. Dagdag pa ni Gladys Fat ang pagpapart time ay mahalaga sa mag-aaral dahil matututo kang maging responsable sa iyong mga gawain. 


        Ang pagkakaroon ng part time job sa mga mag-aaral ay isang napaka magandang ideya. Dahil marami kang matutunan na mga bagay katulad ng matuto kang magtipid ng mga gastusin dahil ang pera ay pinaghihirapan hindi sinasayang. Sa ngayon na panahon malaki na ang mga gastusin at kung meron kang trabaho malaki ang maitutulong nito sa iyong sarili lalo na sa iyong mga magulang.

"Tigilan ang Paggamit ng Plastic Bag"


        Plastic isang bagay na kadalasang makikita natin pakalat-kalat sa ating kapaligiran. Ito’y ginagamit natin sa ating mga pangaraw-araw na gawain. Marami nang bayan at lungsod ang napurpurwesyo sa kani-kanilang mamamayan na huwag gumamit ng plastic bags, cups, supot at iba pang gamit na plastic, ngunit patuloy parin sila sa paggamit nito. Dapat ito mabigyan ng aksyon para hindi masyadong lumala ang sitwasyon.


        Ayon kay Edmund Gallanossa ang paggamit ng plastic ay dahilan kung madumi ang dagat at unti-unti nang namamatay  ng mga isda. Ayon naman ni Legacion bawal na ang plastic sa kanilang Lungsod, laking pasasalamat nila dahil ang kanilang mamayan ay sumusunod sa kanilang batas. Ngunit meron paring mga gumagamit ng mga plastic katulad ng mga dayohan subalit kaunti nalang ang mga ito. Dagdag pa ni Reshel Pinote na ang paggamit ng mga plastic ay dahilan na maraming bumabara sa kanal at kung bakit palaging bumabaha.


        Sa ngayon kailangan na nating iwasan ang paggamit ng plastic para sa ikabubuti ng ating karagatan at kalikasan. Sa halip na laging ugaliing mag-go green bag bilang suporta sa pang­kalikasan. Hanggang maaari ay tigilan na ang paggamit ng mga plastic bags. Tandaan na dapat magdala ng sariling bag kapag magsa-shopping, ito ay paraan na malaking maitutulong sa kalikasan.

"Takdang Aralin Huwag Tanggalin"


        Ang paksang ito ay tungkol sa paghinto ng pagbigay ng Takdang Aralin sa mga mag-aaral. Bago natin ito bigyan ng aksyon kailangan muna natin itong pag-usapan ng mabuti para hindi magsisisi sa ginawang desisyon.


        Ayon kay Sen. Grace Poe na sobra-sobra na ang Takdang Aralin na ibinibigay sa mga mag-aaral dapat na itong tanggalin dahil nakakasagabal na ito sa matatag na relasyon ng mga studyante sa kanilang mga pamilya, nakakalungkot para sa isang magulang na hindi na halos maka-bonding ang kanilang mga anak dahil sa dami ng assignments. Ayon naman kay Macky Garcia kung ititigil ang pagbigay ng assignment sa mga estudyante ay mas mabuti para mas magkakaroon ang mga bata ng mas maraming oras sa iba pang bagay. Ang bata kasi pag laging pinupukpok sa pag-aaral nai-stress din yan. Kaya pabor ako kung tatanggalin na ang mga homework. Dapat sa eskwela sila natututo at guro dapat ang nag­tuturo sa kanila. Dagdag pa ni Raymund Mangubat bilang isang tiyuhin nakikita ko kung gaano kahirap ngayon ang mga takdang aralin na binibigay sa aking pamangkin, kawawa naman ang mga bata kung ipagpatuloy pa ninyo ang bagbibigay ng Takdang Aralin mas gusto kung tanggalin dahil hindi ito nakakabuti para sa mga mag-aaral.


        Ayon kay Danica Parra mahalaga ang Takdang Aralin dahil napapabuti nito ang kaisipan at ang memorya ng isang mag-aaral. Ayon naman ni Luis Casas hindi ako pabor na tanggalin ang Takdang Aralin. Mas mabuti pang malulong ang mga bata sa Takdang Aralin kisa naman sa TV, Computer at Cellphone. Dapat ang bata maraming pinag-aaralan. Mas gusto kong tamabakan sila ng mga assignment para mas lalo silang may matutonan. Dagdag pa ni Pheonix61 Ang pagbibigay ng takdang-aralin ay makatutulong upang lalo pang maging pala-aral ang isang estudyante. Sa halip naaksayahin nya ang oras niya salabas ng silid-aralan ,ay gagawin niya ang takdang- aralin. Sa pamamagitan ng takdang-aralin ay masusukat pa ng isang guro ang pangangailangan ng isang mag-aaral.


        Kung bigyan ako ng pagkakataon na gumawa ng plano tungkol sa takdang aralin tututulan ko ang pagtangal nito dahil marami itong maitutulong nakagandahan sa mga mag-aaral, isa na rito ang madagdagan ang kanilang kaisipan. Alam naman natin bilang isang studyante responsibilidad nating gumawa ng Takdang Aralin at bigyan pansin ang pag-aaral. Ito ay makakatulong upang magkaroon ng positibong kasanayan tungo sa pag-aaral at importante ang paggawa ng takdang aralin dahil ito ay tumutulong upang maging handa ang kaisipan ng isang estudyante sa pagiging responsable sa pag-aaral at sa mga paksa na tatalakayin sa susunod na klase.

"Halaga sa bawat Patak"

        Ang tubig ay napakahalaga sa buhay ng tao. Marami itong gamit di tayo mabubuhay kung walang tubig. Pwede natin itong magamit  bilang...