Isang Akademikong Sulatin na naglalayong makatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng bawat indibidwal lalo na sa larangan pag-aaral na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon na naglalahad ng ibat-ibang ideya lalo na sa kasalukuyan.
Martes, Oktubre 15, 2019
"Takdang Aralin Huwag Tanggalin"
Ang paksang ito ay tungkol sa paghinto ng pagbigay ng Takdang Aralin sa mga mag-aaral. Bago natin ito bigyan ng aksyon kailangan muna natin itong pag-usapan ng mabuti para hindi magsisisi sa ginawang desisyon.
Ayon kay Sen. Grace Poe na sobra-sobra na ang Takdang Aralin na ibinibigay sa mga mag-aaral dapat na itong tanggalin dahil nakakasagabal na ito sa matatag na relasyon ng mga studyante sa kanilang mga pamilya, nakakalungkot para sa isang magulang na hindi na halos maka-bonding ang kanilang mga anak dahil sa dami ng assignments. Ayon naman kay Macky Garcia kung ititigil ang pagbigay ng assignment sa mga estudyante ay mas mabuti para mas magkakaroon ang mga bata ng mas maraming oras sa iba pang bagay. Ang bata kasi pag laging pinupukpok sa pag-aaral nai-stress din yan. Kaya pabor ako kung tatanggalin na ang mga homework. Dapat sa eskwela sila natututo at guro dapat ang nagtuturo sa kanila. Dagdag pa ni Raymund Mangubat bilang isang tiyuhin nakikita ko kung gaano kahirap ngayon ang mga takdang aralin na binibigay sa aking pamangkin, kawawa naman ang mga bata kung ipagpatuloy pa ninyo ang bagbibigay ng Takdang Aralin mas gusto kung tanggalin dahil hindi ito nakakabuti para sa mga mag-aaral.
Ayon kay Danica Parra mahalaga ang Takdang Aralin dahil napapabuti nito ang kaisipan at ang memorya ng isang mag-aaral. Ayon naman ni Luis Casas hindi ako pabor na tanggalin ang Takdang Aralin. Mas mabuti pang malulong ang mga bata sa Takdang Aralin kisa naman sa TV, Computer at Cellphone. Dapat ang bata maraming pinag-aaralan. Mas gusto kong tamabakan sila ng mga assignment para mas lalo silang may matutonan. Dagdag pa ni Pheonix61 Ang pagbibigay ng takdang-aralin ay makatutulong upang lalo pang maging pala-aral ang isang estudyante. Sa halip naaksayahin nya ang oras niya salabas ng silid-aralan ,ay gagawin niya ang takdang- aralin. Sa pamamagitan ng takdang-aralin ay masusukat pa ng isang guro ang pangangailangan ng isang mag-aaral.
Kung bigyan ako ng pagkakataon na gumawa ng plano tungkol sa takdang aralin tututulan ko ang pagtangal nito dahil marami itong maitutulong nakagandahan sa mga mag-aaral, isa na rito ang madagdagan ang kanilang kaisipan. Alam naman natin bilang isang studyante responsibilidad nating gumawa ng Takdang Aralin at bigyan pansin ang pag-aaral. Ito ay makakatulong upang magkaroon ng positibong kasanayan tungo sa pag-aaral at importante ang paggawa ng takdang aralin dahil ito ay tumutulong upang maging handa ang kaisipan ng isang estudyante sa pagiging responsable sa pag-aaral at sa mga paksa na tatalakayin sa susunod na klase.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
"Halaga sa bawat Patak"
Ang tubig ay napakahalaga sa buhay ng tao. Marami itong gamit di tayo mabubuhay kung walang tubig. Pwede natin itong magamit bilang...
-
Mapapansin natin na isa sa mga problema natin ngayon na panahon ay ang pagdami ng basura sa ating kapaligiran. Tayo ay isinilang sa ...
-
Tayong mga Pilipino ay mahilig maglakbay. Halos lahat ng mga kabataan ngayon ay may #TravelDestination o kaya naman #Travel...
-
Ang paksang ito ay tungkol sa paghinto ng pagbigay ng Takdang Aralin sa mga mag-aaral. Bago natin ito bigyan ng aksyon kailangan mu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento